Madami talaga akong ginagawa
Sa harapan ng PC na laging kawawa
Magdamag na bukas, kung gamiti'y walang awa
May mapapala kaya sa magdamagang pagtunganga?
Walong bintana ang laging nakabukas
Iba't ibang bagay ang aking tinutuklas
Minsan matino, minsan di dapat
Basta may makita, mabasa, o masiwalat
Heto, at aking iisa-iisahin at subukan niyong bisitahin
ingat lang sa mga pop-ups na sadayng nakakagising!
Kakatapos lang ng Harry potter na palabas
kaya diskusyon sa mugglenet.com walang pinapalampas
tungkol sa movie, sa libro, mag-koment ng mahaba
Astig ba ang pelikula? Paano tatapusin ng may-akda?
Sa chat rooms naman ng YM ay nagiintay,
sa mga taong banyagang, nakausap at nakilala.
Nagku-kuwentuhan tungkol sa Bibliya hanggang sa pilosopiya,
sa YM ay sadyang tumatambay sila.
Musicnotes.com naman ang sunod na tinitira
Doon ay nangagarap mabili ang mga piyesa ng musika
Ang nakikita't tinutugtog lamang ay ang unang pahina
Ayos na rin, sapagkat walang pera.
Google, MSN, Yahoo, diyan ako naghahanap
Readings, Images, at research na dapat mahagilap
Prof kong nag-yoyosi sa klase, gusto ay kasipagan
Baka 'pag akoy umubo, malaman niyang wala akong pinaghirapan
Ang natirang dalawang bintana ay sa akin na lamang
Medyo hindi na dapat natin itong pagusapan
Ang sinisigurado ko hindi ito tawag ng laman
kayo kasi, baka ang isipin ito'y kahibangan.
Pero sa totoo nama'y biro lang ang huling dalawang bintana.
Wala lang maisip habang gumagawa ng araling itinakda.
May pagsusulit pa bukas kaya't ako'y magpapaalam na,
Mag-aaral na ako. Ay! matutulog na pala.
Tuesday, November 29, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment