Saturday, September 30, 2006

BROWnies are OUT

Napagtanto ko lang: ang daya talaga! Biruin mo kanina lang nabalik ang kuryente sa aming lugar (mga 3 am), weird0.Nakakapanibago na may ilaw uli matapos ang dalawang araw na kawalan nito. Astig. Ano nga bang mga ginawa ko sa dilim? hehehe... v

28 Setyembre
Nakagamit pa akong PC ng mga 30 minuto, bago nag-fluctuate ang kuryente ng mga 3 times. Tapos ayun, nawala na.Tumugtog na lang ako sa aking piano habang nag-iintay ng multo na hahawak sa balikat ko hehehe (ang dilim kasi doon sa kinalalagyan ng aking piano).

Maliban sa pag-piano, malamang buong araw akong walang ginawa kundi panoorin ang hangin habang:


1. Ang mga dahon ay naging wallpaper sa puti naming bakuran at pader.
2. Ang punong mangga sa may tabi ng aming bahay ay bumagsak at hinarangan ang daanan
3. at ang pinaka weirdo, Ang mga ibon na lumilipad pa-SIDE ways.

Astig!Hay, kinagabihan, napagdesisyunan ng aming pamilya na lumbas na lamang at pumunta ng SM Southmall. Eto ang itsura ng SM kapag brownout at may bagyo:

1. Ang daming puno sa parking lot na naka-park hehe
2. Ang init sa loob na parang naghalo ang amoy ng mga di naligo at carbon monoxide
3. Ang gloomy, grabe4. mga taong naninigarilyo ay madami

Kaya ayun, umalis na kami matapos ang bente minutosPero ok lang kasi nakita ko naman yung dating kong kaklase e, nakaktuwa.

Sa LUK FOO na lang kami nag-dinner. Sobrang puno ng tao tapos 4 lang miyembro ng crew dahil nagsi-uwian ang iba (balita ko nawalan daw ng bubong yung bahay nung isa sa mga cook sabi nung manager, nakakalungkot naman).

Nabusog naman kami. Syempre kumain ako ng isang malaking bowl ng wanton noodle soup, fried chix and kropek at yang chow rice. ANG SARAP. Sana brownout na lang lagi para ganito hehehe.


29 Setyembre

Wala lang, konting volleyball, konting piano (bulag na at ako), konting Harry potter gameboard (parang cluedo), at maraming kain.


Di na ako nagbago...

Ayan, iyan lang kasi ang mga nagawa ko, sinubukan kong mag-aral sa Latin kaso hindi kinaya ng mga mata ko.Mga test na nausogWala akong ginawa kundi magpakabusog.

PAALAM MILENYO!.

No comments: