Monday, October 31, 2005

Happy Halloween


Kapag wala ka talagang magawa, madami kang maiisip. At eto ay isa sa mga naisip ko sa panahong wala akong ginagawa:

Mahilig kasi ako manood ng mg horror. Nagsimula iyan noong Disyembre 2002. Ringu 1. Si sadako. Hindi pa siya pinapalabas in general theaters, di pa rin siya sikat (ata). Dahil hindi ako pinapayagan manood ng mga horror syempre pagkakataon ko na itong sumaway. hehehehehe. Kaya nanood kami sa bahay ng mga kaibigan ko. dahil isa ito sa first Horro movie na napanood ko aba, huawag ka nang magtaka na katabi ko ang nanay ko nung matulog ako. Angal? Sinundan na rin yan ng Ringu 2, Ringu 0, The Grudge 1 and 2 at kung anu-ano pa.

Pero hindi iyana ng naisip ko. Nanonood kasi kami ng kapatid ko ng The Huanting kagabi. Thriller siya na may sense. Hindi horror. Tapos, naisip namin. Hindi pala kami mumultuhin sa Kwarto namin. Kasi maliit lang siya. Ang corny naman nung multo, kapag ang kwarto namin ang napili niyang venue. Kaya safe kami. parang magiging joke lang yung multo kapaga nagpakita siya sa room namin. Kaya ayun. Nakatulog na kami. hehehehehe

Kung anu-ano talaga naiisip ng isang taong walang magawa. kaya Huwag niyo akong tularan. Walang ginagawa. Pero pagisipan niyo rin. Maliit ba kwarto mo? o malaki? Baka naman may katabi ka na diyan.

No comments: