Tuesday, October 04, 2005

Isang maulan na umaga

Kanina nga sa UP main library, habang umuulan at kumukulog, ay magisa akong nag-babasa ng mga microfilms para sa paper ko. Diba astig? Ngayon lang ako nakahawak ng ganon. Sinipon nga lang ako kasi ang baho nang kwarto. Amoy luma at amag at mabahong medyas. Hehehehehehe. Ang creepy nga lang kasi mag-isa lang ako tapos parang kumakain ng tao yung mga nagbabantay. At as usual, napagalitan na naman ako dahil hindi ako ngababasa ng instructions sa library. Lagi naman eh. Sana lang talaga may mapala ako sa amoy na aking dinanas at tiniis. Ngayon nga punong-puno na ng sipon ang aking keyboard!

Sembreak ko na sa wakas. Pero may ipapasa pa akong paper para sa Friday at istorya sa wednesday next week. Foundation nga pala ng MASCI sa friday. Isang buwan rin pala ang sembreak ko. Mamismis ko ang pagkain ko sa UP ng isang buwan. Naiiyak na ako. Wala munang squid balls, chicken balls, at kikiam. Wala munang skinless longanissa at tapsilog. Wala pang C2 o kaya’y free tubig. Hay! Nakakaiyak naman.

No comments: