Ayan, nakalipat na ako ng gym kanina.
Nakakatuwa kasi mas maganda itong bago kong gym kaya lang
nakakapanibago na ibang mga tao na naman ang kasama ko;
wala na yung mga pamilyar na mga mamang nakakatakot
(pero ayokong mag-bulk up ng ganun hehehe. Scary.)
Tapos halos lahat ng equipment ay machines kaya
nanibago ako kasi puro manu-mano ang alam kong gamitin hehehe
Di tulad ng dati, wala ng spot-an at tulungan kasi machines na nga e
heheehe, in other words--wala ng communication.
Kaya iba pa rin kapag local gym na walang aircon at shower ang
pinupupuntahan mo. Mas masaya kasi parang pamilya kayo dun.
E sa gym na katulad nito, kanya-kanya na. O kaya naman, kausap mo lang ang trainer at hindi ang ibang nag-gygym. Weird.
Well, para ma-maintain itong gym na ito, kelangan ko na magtrabaho dahil nilinaw ng aking mahal na ina na hindi niya ako uli susustentuhan sa gym. huhuhu. Kaya naman next sem ay magtututor na ako. Working student para maka-workout. hehehe. wierd.
Ay konti na lang tapos na itong semestreng ito. Gusto ko ng mag-jogging, mag-bake, mag-drive, magbasa, mag-pc, manood ng marathon, matulog ng sobra-sobra. hehehehe konti na lang.
more pics? http://themistermistaker.multiply.com/photos/album/2/My_Fitness_Gym
LORD, sorry nga pala para sa araw na ito...
Wednesday, October 03, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
JM! huy! nag-gigym ka? san? gusto ko ring maggym1 at in fairness, mei blogger account pla ako--ajean
Post a Comment