Thursday, November 01, 2007

The Invisible October 31st

I forgot that October has a 31st day.

So, it didn't surprise me that when i woke up this morning I was in a panic state. Being assigned the Wednesday-AM commentator for the month of October, I forgot that i am still the commentator for this morning's HolyEucharist.

Bad. Bad.

I have no idea what happened then. Usually, the elders (yung mg titas in red skirts) get a bit angry whenever a fellow lector doesn't show up for their assigned duties, what more for a commentator.

I guess papagalitan ako pag nakita nila ako sa meeting--which won't be happening until next week since its all saint's day this thursday.

hehehe
_____________________

Nagpunta kami kanina sa Loyola Memorial Garden para dalawin si Lola Goring. Parang kelan lang noong namatay siya taong 2005--noong unang linggo ko sa Unibersidad ng Pilipinas(gagawan ko si Lola ng blog entry sa susunod). Kaya naman ika-3 taon pa lang ito ng aming pagbisita kay lola.

Naisip ko nga kanina bago kami mag-rosaryo, na nang pumanaw si lola nadagdagan ng isang araw ng pagtitipon ang angkang De la Paz. Si lola talaga, hanggang sa langit ay nagpapakita pa rin ng pagmamahal sa pamilya.

Madrama na ba?

Hehehehe. Sa totoo lang ang saya saya kanina. Nandun na naman ang aking mga pinsan na sa Pinas sa side ni papa na lahat ay mas bata sa akin. Ang weirdo.
Ako ang pinakamatanda.
Ayoko na kasi maging kuya.
Hehehe

Ayun, kaya naman ako ay nakipaglaro sa kanila. Tapos ay nag-story telling pa ako gamit ang mga puppet na binili namin sa naglalako nito sa halagang Php 30.
Nakatutuwa naman talaga.
Akalain niyo na ako pa ang nagpabili nito kaysa sa mga paslit kong mga pinsan hehehe.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang na may tindahan pa si lola sa may harapan ng bahay namin kung saan lagin akong humihingi ng kendi. Na-mimiss na kita lola, sana nandito ka pa para makita ang aking tulong sa simbahan na natutunan ko pa mula sa iyo.



Eternal rest grant unto them, O Lord.
And may perpetual light shine upon them.
May the souls of the faithfully departed
through the mercy of God rest in peace.
Amen.

Bukas kay lolo naman sa San juan North cemetery.

No comments: