Thursday, November 15, 2007

NHI


Kanina, nagtungo ako sa National Historical Institute (NHI) sa T.M. Kalaw, Ermita, Maynila. Matagal-tagal na rin noong huli akong bumalik sa Maynila kaya naman nakakatuwa na muli kong nakita't narinig ang ingay ng Maynila na aking kinalakhan noong Hayskul.

Bumili ako ng collector's edition ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo para sa aking PI 100--Philippine Institutions/Rizal Studies--kung saan sa loob ng sampung (10) araw mula noong martes ay inatasan kaming muling basahin ang mga naturang obra ni Rizal.

Sa halagang Php 450, walang panghihinayang binili ko ang dalawang libro sapagkat sila na ang pinaka-huling kopya ng kanilang uri na inilimbag noong 1957 ng Martinez at sons. Tunay nga namang Collector's edition. Sa katunayan, nakapaloob sa mga librong ito ang mga orihinal na guhit at pinta ni Juan Luna na nagbibigay buhay sa napaka-makatotohanang paglalarawan ni Rizal ng Pilipinas. Idagdag mo pa rito ang pagtaas ng presyo ng mga libro bawat taon sapagkat sila ay "rare" kung tawagin.


Wika nga ni Gng. Albina Fernandez, bakit nga ba nga ba ang mga Pilipino bumibili ng mga mamahaling bagay na walang katuturan ngunit pagdating sa mga pampanitikang bagay tulad ng mga libro ay nagtitipid.
Guilty. tsk. tsk. tsk.

Pero sa totoo lang muntik ko nang ipa-kansela ang assignaturang PI 100 sapagkat nasindak ako sa Propesor. Subalit nang aking pagisipan, mas mahalaga ang aking matututunan kaysa sa gradong aking makukuha. Kaya naman pagsisikapan ko ito. Ako ay isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, nararapat lamang na ganito ang maging takbo ng aking isipan at ugali pagdating sa pag-aaral.

...kanina'y muli kong nasilayan ang Jollibee kung saan kami'y huling kumain...

No comments: