Friday, November 30, 2007

finally

After all these years SOMEONE finally agreed with me that guys should not ask permission if they are to court a lady. Heck, what's the point of courting when you are somewhat assured of a possible yes.

Sunday, November 25, 2007

Kwentista balang araw


May bago nang naidagdag sa aking mga panagarap--ang maging isang magaling na kwentista. Ang pangarap na iyan ay pinalakas pa ng kanina'y ako'y gumawi sa isang pagpupulong at workshop sa larangan ng pagkwe-kwento.

Weavers of Magic:
Manunulat, Illustrador, Mananalaysay

Napakasaya namang tunay kaya naman walang pagsisi kong iniliaan ang oras ko nitong sabado upang makadalo sa seminar na ito. Nandoon si tito Dok, si Prof. de jesus at si Gng. Gagatigan na mahusay naman talagang magkwento.

Unang hakbang para maging kwentista?--huwag maging self-conscious masyado. Tandaang ang ginagawa ay para sa mga bata at literacy. Kaya ko kaya yun? Madami pa naman akong hang-ups at insecurities.

Kaya yan

Wednesday, November 21, 2007

Wala lang

Things I promise to do before the year ends:

1. review my English grammar and registers. I have beocome quite an informal writer and I do not wish to stay as such

2. master the art of "genuine" smile. People--orgmates, choirmates, friends, and family members--have been commenting, if not complaining, on my fake smile. Paano ba kasi? (for crying out loud people, 'ine' in genuine is pronounced like win and not like wine)

3. finish Noli me Tangere and El Filibusterismo with deep comprehension.

4. reach the halfway mark of the minimum number of children's books (40) we have to read for EDR 121. Lots of fun!

5. strengthen my left arm

6. read 5 full length books (yup I know that's a small number, but i have tons of readings in educ hahaha)

7. blah blah blah
wala lang uli magawa...
inaantok na ako...

Monday, November 19, 2007

buntong-hininga


Christ the King na next week
Advent na the week after next
hay...
Pasko na naman
syempre masaya yun
inaabangan ko naman yan bawat taon
January 1 pa lang may countdown na ako sa kuwarto
hahaha
ang sarap kasi ng feeling
wala ka iniisip
kasama pamilya
birthday pa ni JC
hay...
sana makumpleto ko uli ang simbang gabi
sana makuha ko ang nasa top ng aking wishlist sa kuwarto
sana sana sana
sana mabiyayaan ako ng uno ngayong semestre
sana makaipon ako
sana bigla na lang mawala ang life-long trial sakin ni Lord
(hehehehe sori Lord joke lang, kakayanin yan)
sana may magawa akong makabuluhan ngayong disyembre
sana may matulungan ako
sana may mapayuhan ako
sana bigla na lang may lalapit sa akin at alam na niya kagad problema ko
sana sana sana
sana tumigil na ako sa kaka-sana
sana lang
sana sana sana
ayan ang wirdo na ng salitang sana
sana sana sana
...Hosanna sa Kaitaasan...
sana pananampalataya
sana sana sana

Thursday, November 15, 2007

NHI


Kanina, nagtungo ako sa National Historical Institute (NHI) sa T.M. Kalaw, Ermita, Maynila. Matagal-tagal na rin noong huli akong bumalik sa Maynila kaya naman nakakatuwa na muli kong nakita't narinig ang ingay ng Maynila na aking kinalakhan noong Hayskul.

Bumili ako ng collector's edition ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo para sa aking PI 100--Philippine Institutions/Rizal Studies--kung saan sa loob ng sampung (10) araw mula noong martes ay inatasan kaming muling basahin ang mga naturang obra ni Rizal.

Sa halagang Php 450, walang panghihinayang binili ko ang dalawang libro sapagkat sila na ang pinaka-huling kopya ng kanilang uri na inilimbag noong 1957 ng Martinez at sons. Tunay nga namang Collector's edition. Sa katunayan, nakapaloob sa mga librong ito ang mga orihinal na guhit at pinta ni Juan Luna na nagbibigay buhay sa napaka-makatotohanang paglalarawan ni Rizal ng Pilipinas. Idagdag mo pa rito ang pagtaas ng presyo ng mga libro bawat taon sapagkat sila ay "rare" kung tawagin.


Wika nga ni Gng. Albina Fernandez, bakit nga ba nga ba ang mga Pilipino bumibili ng mga mamahaling bagay na walang katuturan ngunit pagdating sa mga pampanitikang bagay tulad ng mga libro ay nagtitipid.
Guilty. tsk. tsk. tsk.

Pero sa totoo lang muntik ko nang ipa-kansela ang assignaturang PI 100 sapagkat nasindak ako sa Propesor. Subalit nang aking pagisipan, mas mahalaga ang aking matututunan kaysa sa gradong aking makukuha. Kaya naman pagsisikapan ko ito. Ako ay isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, nararapat lamang na ganito ang maging takbo ng aking isipan at ugali pagdating sa pag-aaral.

...kanina'y muli kong nasilayan ang Jollibee kung saan kami'y huling kumain...

Tuesday, November 13, 2007

Big Bad Wolf

"Friendship is the paradigm of love"
-Fr. JBoy, CSC sportsfest
11 Nov 2007

Di pa rin ako enrolled
bukas kaya?
nakakakaba ang PI 100
Institusyon na at Rizalista pa ang prof at daming pinapabasa.
Meron kaming 10 days para basahing muli ang Noli At El Fili.
Mukhang busy talaga itong sem na ito.
Anu kayang mangyayari?

Para sa Assignment namin, nalungkot ako sa The True story of the Three Little Pigs.
Misunderstood lang naman pala yung wolf.
Parang ako.
hahahaha.
Ang totoong nangyari...
(from wikipedia)
"The wolf justifies his journeys to the little pigs' houses as needing to ask for some sugar, his "huffing and puffing" as him having a cold and "sneeze[ing] a big sneeze", and his eating of the pigs as not letting good meat go to waste, since the pigs die in the sneeze anyway. At the very end of the book, it is revealed that the wolf has been telling the whole story from prison."

Kawawang Big Bad Wolf
bakit ganun ang mga tao, kapag na-stereotype na ang isa, generalized na ang lahat. Panu ka nga naman magtitiwala sa iba?
Ang hirap tuloy.
Sana makatagpo na na lang rin ako ng Big Bad wolf tapos makakarelate kami sa isa't isa hahaha.
_______________
Matapos manlibre ni Kuya Marlon sa Mcdo hanggang 4 am noong sunday(dude salamat sa libre), sporstfest naman ng UP Catholic Students' Community (CSC) ang pinuntahan ko. Syempre Kasali ang UPSCA. At syempre, kahit talo kami sa Basketball, nanalo naman kami sa Volleyball. At ang nakakatuwa, spike ko pa ang tumapos sa laban. Astig. Mula nung elimination hindi ako ma-settan ng maayos kaya di ako makapalo, pero astig na nung huling point pa ako nakatira hahaha.
Tagal ko na rin di nakakalaro sa tunay na kumpetisyon kaya naman nakakatuwa.

ang sarap talaga ng spag sa bday dinner ng ka-choir namin.
adik talaga ako sa spag. hehehe

hay...buti na lang may spag nung gabi at least di ako masyado malungkot hehehehe
Mga Emo-eater nga naman.

Sunday, November 11, 2007

First Day

Kahapon, nagsimula na ang aking klase, at astig ang mga assignatura (subject na lang, lalim e) tuwing martes at biyernes:

EDTEG 102 (8:30-10)
Play and Other Physical Actvities in the Learning Process


We formed a circle and then were asked one by one what types of play we were fond of when we were still kids

I answered:
1. mataya-taya-- running game where there's an 'IT' chasing after everyone else
2. titser-titseran--a role play where I get to be a teacher giving lessons to my friends and younger siblings hahaha
3. matchbox--my all-time favorite toy. Like Hotwheels, this is a brand of small cars which i have by the hundreds. I use them to make my own 'busy intersection' and traffic flows.

hay... sana bata na lang ako forever para walang problema at konti lang ang changes
Yup. I know it sounds immature, even for me.

EDR 121 (4-5:30)
Children's Literature

We were asked what our favorite childrens' story is
I asnwered:

Rumplestiltskin because it was one of the few stories where the main character wasn't a princess or a prince. Which is kinda cool because i like weird things cause I'm weird hehehe
Plus, I really like to imagine the woods where Rumplestiltskin can be found. Syempre dahil wala kasi kaminmg probinsya, so anything woody and tree-ish is a good place for me.

What's cool is that we are tasked to annotate/read/relish/enjoy 40 chidlren's books. Imagine, being graded for what i enjoy doing. Hahaha. How cool could that get?



What's even cooler is that our assignment was to know the true story of the Three Little Pigs.

_________________
Anyways

18 unists na ako Thank God.
A couple of lines and some smiles then I'm ready to enrol.
I have been really emo (as in emotional and not the vague music genre) this past sembreak so i'm really excited about the new sem where I could channel allt hese things to harwork and hopefully 6 unos. HAHA!
I hate dealing with emotions. They suck.

"Tell me what we got, tell me it's a lot tell me it's the real thingTell me not to change and always be the same, tell me that's a good thingIt's a good thingTell me not to lie, tell me not to waitTell me that you want the same things as meTell me that it's fate driving me insaneTell me it's the real thingThat keeps me hangin on"

-Bo Bice, "The Real Thing"

Friday, November 09, 2007

6 am



*hahahaha ayoko na ata mag-blog dahil nagkamali ako at na-ipromote ko ito sa mga tao,
kaya may nagbabasa na ngayon n

first day
di pa rin ako enrolled
2 lng subject ko: isang 8:30-10 at isang 4-5:30
6 hours na vacant
hahahhaha

ayusin ko n lang to mamaya
_________

interview ng WYD nung isanggabi
nagulat ako na kasama ako sa initnetrview
astig
sana mapili ako
...
_________

Tuesday, November 06, 2007

Blasts

3-4 NOV
My last weekend before the second sem starts was quite a blast.
Blast as in blasted to wastedness, blasted to amazement, and blasted to becoming a secretary.

Blasted to wastedness
After our trainee evals in Koro Stigmatino,
...which was scary as hell. Being an inexperienced bass, it was as if no sound was coming from my mouth because of the pressure, nervousness, anxiety and what not. Feeling ko kakainin akong buhay ng panel. Buti wala yung crush ko sa Koro hahaha...
we celebrated the choir's 18th anniversary with a party. Syempre may inuman. We--the bass and tenors at least--ended up drinking and singing to the vidoeke's lyrics up until 6 am the follwing day. Hahahhaa. It was only then that i realized what wobbly walking is. I guess i wasn't really wasted yet it felt that i was pass my alcohol limit.

Actually, it felt good to drink. Wala lang. Some form of release. Ngayon lang naman. No worries, I have no plans to turn to alcohol in times of problems. I'm a tea guy you know. hahaha.


Blasted to being Secretary
I was voted new secretary of Koro. By the system(the secreatry automatically becomes vice next year and president the year after next) it says that i would be president in 2010. Weird system actually. Let's see what will happnen. Sabi ko nga in my speech, "magsisisi kayo."


Blasted to amazement
It is a tradition for the Koro to invite the alumni to sing with the current members in the 6:30 pm Sunday mass nearest the anniversary. That's exactly what happened. We sang with the oldies (not that their old or 'sumtin) and they amazingly made my jaw drop. Througout the mass they were breathtakingly oh-so-good. lalo la yung mga sopranos doing their obligato in some songs. And when The Majesty was sang, I was really awestruck. I had been the entire mass actually. Hay.

It was also my first day as secreatary. Ang hirap pala, especially with the collection of the music sheets after the mass.

more pics?: http://themistermistaker.multiply.com/photos/album/13

__________________________
Just a day before enrollment. Di ako nakapag-driving lessons this sembreak. Hay. Sa Christmas break kaya?
Also read a mate's blog entry about black and white and the gray areas in between. I promise to make a blog entry about it.


Thanks LORD for this sembreak.
I pray that i'll recover from my state.
I know that if i want to, I will be able to do it
It's a matter of choice.
If I'm for You i'm for You. If not, then I'm not. No in-betweens

HAPPY BDAY F8!!!

Thursday, November 01, 2007

San Juan Cemetery

1 November
A tiring day and I havn't retired yet, not until I blog

At 12:00 am, i was at a friend's house with some of our friends. What was suppose to be a DVD marathon turned out to be a serious-mushy-cheesy talk about love and relationships.

Heck did they put me in a serious hot seat. I hate this topic (check my previous entries). They asked me stupid questions like "bakit wala ka pa girlfriend?" and "May gusto ka ba kay ****? (**** was there with us actually!!!!%&#), just imagine how awkard it felt for me. Of course I had to do some answering. Pero syempre i'm an expert in geting out of tight spots--like giving safe answers for mushy questions.

HAHAHA!

anyways, it didn't end with my answer. The next thing i know questions were falling like bullets fromt the air. It was so weird and akward. Hay, i'd ratehr not tell the whole lot...
______________

Went to Lolo Papang's cemetery earlier at San Juan. Honestly, compared to my lola's cemetery in loyola, the place was really crammed with people. Plus, it was poorly maintained with skulls and garbage left here and there. But still, it was fun going with my cousins and aunts to the cemetery. admitedlly, i didn't had the chanc to get to know my mom's dad. He died when I was in third grade at age 8. To me, all that I knew back then was that I was so scard to take a peek at the coffin. It was only later that I realized that I wish I knew him better.

Also saw JV ejercito. hehehe i had a laugh when I saw that his head was really big hehehehe

The Invisible October 31st

I forgot that October has a 31st day.

So, it didn't surprise me that when i woke up this morning I was in a panic state. Being assigned the Wednesday-AM commentator for the month of October, I forgot that i am still the commentator for this morning's HolyEucharist.

Bad. Bad.

I have no idea what happened then. Usually, the elders (yung mg titas in red skirts) get a bit angry whenever a fellow lector doesn't show up for their assigned duties, what more for a commentator.

I guess papagalitan ako pag nakita nila ako sa meeting--which won't be happening until next week since its all saint's day this thursday.

hehehe
_____________________

Nagpunta kami kanina sa Loyola Memorial Garden para dalawin si Lola Goring. Parang kelan lang noong namatay siya taong 2005--noong unang linggo ko sa Unibersidad ng Pilipinas(gagawan ko si Lola ng blog entry sa susunod). Kaya naman ika-3 taon pa lang ito ng aming pagbisita kay lola.

Naisip ko nga kanina bago kami mag-rosaryo, na nang pumanaw si lola nadagdagan ng isang araw ng pagtitipon ang angkang De la Paz. Si lola talaga, hanggang sa langit ay nagpapakita pa rin ng pagmamahal sa pamilya.

Madrama na ba?

Hehehehe. Sa totoo lang ang saya saya kanina. Nandun na naman ang aking mga pinsan na sa Pinas sa side ni papa na lahat ay mas bata sa akin. Ang weirdo.
Ako ang pinakamatanda.
Ayoko na kasi maging kuya.
Hehehe

Ayun, kaya naman ako ay nakipaglaro sa kanila. Tapos ay nag-story telling pa ako gamit ang mga puppet na binili namin sa naglalako nito sa halagang Php 30.
Nakatutuwa naman talaga.
Akalain niyo na ako pa ang nagpabili nito kaysa sa mga paslit kong mga pinsan hehehe.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang na may tindahan pa si lola sa may harapan ng bahay namin kung saan lagin akong humihingi ng kendi. Na-mimiss na kita lola, sana nandito ka pa para makita ang aking tulong sa simbahan na natutunan ko pa mula sa iyo.



Eternal rest grant unto them, O Lord.
And may perpetual light shine upon them.
May the souls of the faithfully departed
through the mercy of God rest in peace.
Amen.

Bukas kay lolo naman sa San juan North cemetery.