Tuesday, December 18, 2007

Larangan ng Pagtakas at Pag-iwas


Balik koro...

Kagabi, matapos ipahiwatig sa akin ang aking pagbigo sa mga tao buhat ng ako'y magtangkang tumakas, ay inilatag sa aking harapan ang ang aking mga responsibilidad bilang kalihim ng Koro Stigmatino. Ngayon ko lang napagtanto na gano'ng kabigat pala sila. Tuloy, ay napaisip ako. Hindi pala talaga puwedeng lagi na lang tumatakas. Kahit gaano na ako kabihasa sa larangan ng pagtakas at pagiwas, sadyang isip-bata ang ganitong gawain.

Ayoko kasi ng responsibilidad. Nakakatakot. Nakakakaba. Magaling naman akong taga-suporta hindi ba? Ginagawa ko naman ang lahat sa aking makakaya upang maging isang mahusay na miyembro--maagang nag-aaral ng mga piyesa, pinahuhusay ang sarili sa pagbasa ng mga nota at ine-ensayo araw-araw ang aking boses upang maging isang ganap na bass. Hindi pa ba tama yun? Hindi ba talaga puwede yun?

Malamang hindi. Siguro panahon nang harapin ko naman ang mga takot ko sa buhay, panahon na na ako ay lumaki't magbago. Kaya naman kagabi'y tunay na tumatak sa akin ang mga salitang ito:

Hindi ka na puwedeng matakot

Hindi ka na puwedeng mahiya
Hindi ka na puwedeng magalinlangan


sapagkat...

May kasaysayan kang pangangalagaan
May pagkakakilanlan kang dapat protektahan
Madaming umaasa sa iyo

at syempre, ang hindi mawawala

Isko ka ng bayan

Sa totoo lang, nabigatan ako. Pero napansin ko kapag nabibigatan ako, lalo akong nagpupursige. Ganito ako sa aking pag-aaral. Kaya naman mahilig ako sa mga terror-prof. Dapat takutin niyo muna ako para ako'y gumalaw.

Hay, ang hindi ko lang ganap na maaninag ay kung bakit kahit na akin nang napatunayan na ako'y isip-bata't duwag ay sadyang pinagkaaktiwalaan pa rin at binibigyang pagkakataon upang bumawi. Ang wirdo. Hindi ba dapat napatunayan na ng aking pagtangkang tumakas na hidni ako karapat-dapat?

Wirdo

Gayunpaman, nagdesisyon na ako harapin ang mga responsibilidad. Lagi kong sinasambit na di ko nais ang maging isang medicore. Kung gayon, dapat na akong mag-mature.

At wika nga ng isang kaibigan, "steady lang...focus."

No comments: