Wednesday, December 28, 2005

Puyatan Awards

Tuwing Pasko, mayroong movie marathon sa aming bahay. Kasama ng mga pinsan at mga kaibigan, walang tulugan kaming nanonood. Halos 20 na palabas ang aming napanood ng tatlong sunud-sunod na gabi sa taong ito. Syempre, laging horror films ang bida sa aming mga pinapanood. Ngayong taon, 8 out of 20 ay Horror. Kaya nman naisipan na naming magtayo ng award giving body para sa horror films na pinapanood naming tuwing pasko. At para sa taon na ito, ang horror films na aming pinanood at ninominate sa Annual Movie marathon ay ang mga sumusunod:

The Grudge (English Version)
Shutter
Bogeyman
Urban Legends: Bloody Mary
Doll Master
Campus Ghost Story
Infection
Bunsinshaba

Heto ang mga parangal na aming iginawad para sa mga films na ito

Best Ghost
…Natre (Shutter)

Worst Ghost
… Bogeyman (Bogeyman)

Most Elegant Ghost
... Mina (Doll Master)

Best Scene
… Death of Lady with the Pringles (Doll Master)

Tumatak-sa-Isip Award
…Natre’s Stolen shot (Shutter)

Napagkamalang-Multo Award
…Old Lady in the Flashback (The Uninvited)

Most Morbid Award
…Infection

Most terrible death of
Protagonist…Kim in Sook (Bunsinshaba)
Antagonist … Truck Flattened Kid
(The Uninvited)

Dram Ghost
…Natre (Shutter)

Time to Sleep Award
…Campus Ghost Stories

Worst Horror Film
…Bogeyman

Best Horror Film
…Shutter

Ayan... mga lagpas 50 horror films na ang napapanood ko hehehehe pero nagsasawa na ako sa boses ng koreano...

bye!

Thursday, December 22, 2005

Mga nagawa ko na bago mag-pasko



1. Sabi nila, tuwing pasko dapat may isa kang quality time sa telepono. Syempre kausap ang isa sa mga espesyal na tao sa buhay mo. Nagawa ko na to kaya ok na!

2. Kumpleto ko pa ang simbang gabi, 2 DAYS to GO

3. Nakausap ko na rin uli ang isang kong long lost
friend

4. Nakainom na ako ng Tequila (thanks jo)

5. nakagawa na ako ng pudding na masarap

6. Nakakain na ako ng Ramen sa wakas

7. Christmas shopping ay tapos na maliban na lang sa regalo ko sa tatay ko. (papaduey ang hirap maghanap)

8. Talunin ang kapatid ko sa Age of Empires 3

9. Sustentuhan (astig yung salita diba?) ang mga anak ko sa labas

10. At pakasalan ang 3 sa mga kabit ko.

Hae hae hae hae hae hae

hahahahhahhaha

Merry Christmas!

Monday, December 19, 2005

Ang Labo ko!

Minsan pakiramdam ko may calling sakin ang Diyos

Pano ba nalalaman kung hindi pirata ang calling?

Pakiramdam ko, hindi ako magiging masaya kung magkakatrabaho ako na hindi pagpapari

Hindi ko kasi ma-imagine ang sairili ko na nag-aaral ng mga bagay-bagay

Pero siguro tinatamad lang ako kaya ko ito naiisip

Iyang Iliad naman kasi kailangan pang yung in verse ang basahin

Nakakatakot isipin na kapag mali pala ang desisyon kong mag-pari, wala na akong career.

Pero hindi naman kasi ako desidiong mag-pari.

Balita ko lang maganda daw mga pinapanood sa loob ng semiaryo

Hulaan niyo kung ano?

Joke lang!

Ang hirap talaga kapag wala kang ideya man lang kung ano ka sa hinaharap

Kaya ngayon, kakain na lang muna ako

Bye!

NAISIP MO PANG MAG_COPY PASTE?!!



The boat is sinking

Alam niyo ba?

Syempre hindi.

Natutuawa lamang ako dahil nung nakakita ako
ng childrens' party sa isang mall ay napataigil ako
at nanood. Eto ang nakita ko:

alam niyo naman yung the boat is sinking diba?

emcee: Group yourselves into 5!

kids: (screams and shouts!) Ahhhhhhhhhhh... bilis! bilis!
Halika tayo na mag-group...

emcee: ok. sorry for those who do not have a group,
you may now sit down.
Next. Group yourselves into 3!

kids: (screams and shouts!) Ahhhhhhhhhhh...bilis! bilis!
Ikaw na lang ka-group ko...

emcee: uhhhhhhh...sorry, you may now take your sit
Next. Group yourselves into 2!

kids: (screams and shouts! One kid losing one of his shoes
while crawling in the game floor.)

emcee: Ok. balik na sa place, walang na-out.
Next. Group yourselves into...1!

kids: ( panicky faces, screams and shouts again!)
Ahhhhhh sino ka group ko? Bilis sino? Sino?
Ahhhhhhhhhhhh... mommy sino po?
Ay! ako lang pala kasi group yourselves into 1!

Di ba komedi? mas naktutuwa yan kapag nakita niyo talaga hehehehe!

bye!


Spain na level 23 na sana ako sa AGE of EMPIRES kaso lang biglang poof! nagkabug at level 4 na lang bigla! huhuhuhu...

Nagbabasa pa ako ng Iliad, huhuhuhuhu uli.

Friday, December 09, 2005

Speech 100

Ok. Speech Communication Majors are dubbed to be “speechifyers” (a term I learned from my Prof) thinking that they study the course just to talk. Some even think that we are call center agents in the making. Who cares? Try to take my major classes then let’s see if you’ll still think of it that way. I can’t blame you though, since only a few of us really chose the course whole-heartedly.

…Melodrama ends here. hehehehe !

Pronunciations I learned from my Major recently:

You have to pronounce these words with the stress on the first syllable. Weird at first, sounds better the next time. (take it from someone who practiced saying them during travel hours- in the bus and MRT, causing him to receive Baliw-ka-ba stares)

Categorize
Comparable
Rhetoric
Allegory

Then, when my teacher asked for a type of language I’m interested to study in my thesis, guess what I answered?

Hehehehehehehe.

I was trying to take out malice form the topic but I think I failed because the teacher gave me a seryoso-ka-ba stare. I was able to redeem myself though, through my explanation.

I answered language during sex.

Seriously, studies show that verbal and non-verbal expressions one use during intercourse shows that persons personal background. Believe it or not!

BYE.

(Naglalaro pa kasi ako ng AGE of Empires III)

Punctuation studies ANSWER

Nakabili na ako ng internet card sa wakas. At eto na ang sagot:

That that is, is. That that is not, is not.
Is that it? It is.

Ayan ang sagot. Parang weirdo no? pero totoong philosophical concept iyan.
BYE!

Wednesday, November 30, 2005

Punctuation studies

Try mo to: Put the necessary punctuation marks to come up with a philosophical idea.

That that is is that that
is not is not is that it it is

clue:
1 question mark
2 commas
3 periods

I got this from my ENG class


( kunwari Engineering pero English yung ENG)

Sige alis na ako. Apps (application??) welcoming na namin mamaya sa ORG


Tuesday, November 29, 2005

ORG ORG ORG


Malapit na akong
magkaroon ng ORG:

UPSCA: University of The Philippines Students Catholic Action.


Sa Wednesday, orientation na namin

Nag-defer lang ako last semester, pero babalik na ako ngayonhehehehe

Pagtunganga sa PC

Madami talaga akong ginagawa
Sa harapan ng PC na laging kawawa
Magdamag na bukas, kung gamiti'y walang awa
May mapapala kaya sa magdamagang pagtunganga?

Walong bintana ang laging nakabukas
Iba't ibang bagay ang aking tinutuklas
Minsan matino, minsan di dapat
Basta may makita, mabasa, o masiwalat

Heto, at aking iisa-iisahin at subukan niyong bisitahin
ingat lang sa mga pop-ups na sadayng nakakagising!

Kakatapos lang ng Harry potter na palabas
kaya diskusyon sa mugglenet.com walang pinapalampas
tungkol sa movie, sa libro, mag-koment ng mahaba
Astig ba ang pelikula? Paano tatapusin ng may-akda?

Sa chat rooms naman ng YM ay nagiintay,
sa mga taong banyagang, nakausap at nakilala.
Nagku-kuwentuhan tungkol sa Bibliya hanggang sa pilosopiya,
sa YM ay sadyang tumatambay sila.

Musicnotes.com naman ang sunod na tinitira
Doon ay nangagarap mabili ang mga piyesa ng musika
Ang nakikita't tinutugtog lamang ay ang unang pahina
Ayos na rin, sapagkat walang pera.

Google, MSN, Yahoo, diyan ako naghahanap
Readings, Images, at research na dapat mahagilap
Prof kong nag-yoyosi sa klase, gusto ay kasipagan
Baka 'pag akoy umubo, malaman niyang wala akong pinaghirapan

Ang natirang dalawang bintana ay sa akin na lamang
Medyo hindi na dapat natin itong pagusapan
Ang sinisigurado ko hindi ito tawag ng laman
kayo kasi, baka ang isipin ito'y kahibangan.

Pero sa totoo nama'y biro lang ang huling dalawang bintana.
Wala lang maisip habang gumagawa ng araling itinakda.
May pagsusulit pa bukas kaya't ako'y magpapaalam na,
Mag-aaral na ako. Ay! matutulog na pala.

Sunday, November 20, 2005








Ito ang Scene:

Babae ang mag-seserve sayo sa counter ng KFC.

Ito ang Dialogue:

Ikaw: Miss breast niyo nga?

Miss: Ano?

Ikaw: Yung Breast niyo. Masarap yun e!
Malaman at tama lang ang tigas.

Miss: Bastos!

(nanlisik ang mga mata ng Miss at sabay naging Super KFC
Sinampal ka at napahiya ka.)

hehehehehehe! Kasi naman bakit kasi breast part pa ang ninais mong kainin.
Ang hirap talaga kapag di nagkakaunawaan ang mga tao. Kaya naman mag-ingat sa pananalita heehehehehe.

Wala na naman akong maisip na matino. kasi naman nakaka-windang itong Iliad na kailangn kong i-summarize.

KAILANGANG PA BANG ISUMMARIZE YAN! Love Radio

CORNy hehehehe

Thursday, November 10, 2005

Tapos na Sembreak

Tapos na Sembreak
Ang hirap pala mag-enrol
Wala akong PE subject na nakuha
Mag-susummer na ako talaga
Sobra na ako sa Arts and Humanities Domain
Kaya yung iba kong subjcts ay hindi na macre-credit
Sige papasok na ako bukas
Bagong kaklase at bagong propesor
Gudluck sakin
Bye!

Saturday, November 05, 2005

Movies Galore

A month-long sembreak is actually a good time to catch all the movies you can. That's just what I did. So you might as well check what I watched. Here are the best:

1. Flightplan
The best airplane kind of movie since Air Force One. The story is superb because it succeeds in diverting the viewers' attention to the wrong ideas until its ending, cathching them off guard. Horror at first then thriller in the end.

Tagline: If Someone Took Everything You Live For...How Far Would You Go To Get It Back?

Starring: Jodie Foster, Peter Sarsgaard




2. Crash

The best movie I've seen showing racism in America. The "jologs" movie type where peoples' lives interconnect. This will surely bother you emotionally and conscientiously, making you aware of what really is happening outside our contry. It may also change your mind in planning to work in USA.

Tagline: You think you know who you are. You have no idea.

Starring: Sandra Bullock, Katrina Arroyave, Dato Bakhtadze


3. Seven Samurai

Ok. So its Black and White. But if you are trying to look for a movie action-packed and culturally-packed then you won't waste your damn time watching this B/W movie. It runs for about three hours. 2 DVD's actually. It's also subtitled. hehehehe. But its really fun.

Tagline: The Mighty Warriors Who Beacame the Seven National Heroes of a
Small Town
Starring: Takashi Shimura,Toshiro Mifune, Yoshio Inaba

4. Ice Princess
At last! A charcater saying that Harvard isn't everything. This Disney film shows there's nothing wrong in becoming an all-time athlete. It also teaches that dreams are not anyone else's but yours.

Tagline: Big things happen to those who dream big.

Starring: Joan Cusack, Kim Cattrall, Michelle Trachtenberg


5. The Adventure of Sharkboy and Lavagirl

It's basically for kids I admit. But the essence of the story is really true. It's about kids' dreams and imaginations proving them powerful as reality.

Tagline: Smaller heroes. Just as Super.

Starring: Taylor Lautner, Taylor Dooley, Cayden Boyd



That's just some of what I watch. I can't wait for Christmas break now that it's back to school for me. Ciao!@

Monday, October 31, 2005

Happy Halloween


Kapag wala ka talagang magawa, madami kang maiisip. At eto ay isa sa mga naisip ko sa panahong wala akong ginagawa:

Mahilig kasi ako manood ng mg horror. Nagsimula iyan noong Disyembre 2002. Ringu 1. Si sadako. Hindi pa siya pinapalabas in general theaters, di pa rin siya sikat (ata). Dahil hindi ako pinapayagan manood ng mga horror syempre pagkakataon ko na itong sumaway. hehehehehe. Kaya nanood kami sa bahay ng mga kaibigan ko. dahil isa ito sa first Horro movie na napanood ko aba, huawag ka nang magtaka na katabi ko ang nanay ko nung matulog ako. Angal? Sinundan na rin yan ng Ringu 2, Ringu 0, The Grudge 1 and 2 at kung anu-ano pa.

Pero hindi iyana ng naisip ko. Nanonood kasi kami ng kapatid ko ng The Huanting kagabi. Thriller siya na may sense. Hindi horror. Tapos, naisip namin. Hindi pala kami mumultuhin sa Kwarto namin. Kasi maliit lang siya. Ang corny naman nung multo, kapag ang kwarto namin ang napili niyang venue. Kaya safe kami. parang magiging joke lang yung multo kapaga nagpakita siya sa room namin. Kaya ayun. Nakatulog na kami. hehehehehe

Kung anu-ano talaga naiisip ng isang taong walang magawa. kaya Huwag niyo akong tularan. Walang ginagawa. Pero pagisipan niyo rin. Maliit ba kwarto mo? o malaki? Baka naman may katabi ka na diyan.

Tuesday, October 18, 2005

Adiktus


Dahil sembreak ko na, nagayos ako ng aking kuwarto nang biglang nakita ko ang aking Diablo II cd with Expansion na hindi ko pa natapos. Kaya naman naging isa akong ganap na adik sa paglalaro ng PC. 8 am to 10 pm, mula noong Sunday last week. Kaya nga natapos ko na siya at nasa Nightmare level na ako.

Ang saklap nga lang. Babad kasi ako sa laro. Ang hirap talaga kapag na-adik ka. Di mo na ito mabibitawan pa. Tataba ka pa kasi kain laro kain laro kain laro kain laro lang ako lang ng isang buong linggo. Adik talaga. Huwag niyo akong tularan. Pero masaya ma-adik di naman ito ang first time na na-adik ako. Napaisip pa nga ako. Ganito rin kaya ang adik sa droga. Masarap kaya? Masaya kaya? hehehehehe. Jok lang. Di ko lang talaga lubos maisip kung ano ang pakiramdam ng adik sa droga. Hehehehe. O kaya naman kahit yung mga naninigarilyo na di na ito mabitawan.

Wala lang! Naisip ko lang ito. Sana lang matapos ko itong Diablo hanggang Hell level bago pa ako tuluyang mabulag dahil sa kaadikan. Sorceress nga pala ang gamit ko.

Friday, October 07, 2005

Quotable Quote 1

I am currently finishing this position paper I have to pass tomorrow. And this interesting qiuote is part of it:

The familiar picture of Jose Rizal studying by the light of an open fire can hardly be compared to
the modern Filipino youth doing his homework by the flickering light of his television set.”

from “The Educator,” a professional magazine for teachers


Sana matapos ko na itong paper na ito
Gudnyt!

Tuesday, October 04, 2005

Isang maulan na umaga

Kanina nga sa UP main library, habang umuulan at kumukulog, ay magisa akong nag-babasa ng mga microfilms para sa paper ko. Diba astig? Ngayon lang ako nakahawak ng ganon. Sinipon nga lang ako kasi ang baho nang kwarto. Amoy luma at amag at mabahong medyas. Hehehehehehe. Ang creepy nga lang kasi mag-isa lang ako tapos parang kumakain ng tao yung mga nagbabantay. At as usual, napagalitan na naman ako dahil hindi ako ngababasa ng instructions sa library. Lagi naman eh. Sana lang talaga may mapala ako sa amoy na aking dinanas at tiniis. Ngayon nga punong-puno na ng sipon ang aking keyboard!

Sembreak ko na sa wakas. Pero may ipapasa pa akong paper para sa Friday at istorya sa wednesday next week. Foundation nga pala ng MASCI sa friday. Isang buwan rin pala ang sembreak ko. Mamismis ko ang pagkain ko sa UP ng isang buwan. Naiiyak na ako. Wala munang squid balls, chicken balls, at kikiam. Wala munang skinless longanissa at tapsilog. Wala pang C2 o kaya’y free tubig. Hay! Nakakaiyak naman.

Monday, October 03, 2005

Saturday Brothers

JACK
Jammed by the saturday-sickness (no assignments finished despite its urgency and the wAnt to finish them during saturdays) I end up in bed watching this 8:40 pm "you-better-watch-show". Yes, it may it may come a little bit cheesy, but the story is the most sensible, in terms of morality-fiCtion, in TV today. About brothers with a pot-smoking mom, it deals about teens, friends, family, the academe, and other issues that happen to most people. Though the setting is situated in America, watching it will make you feel at home with the show and will find yourself nodding in appreciation of the concepts Knocking on your head.

And

"On each episode, "JAck & Bobby" follows this young boy who will one day be President. Needless to say, the boy has No idea of his destiny. But the audience does. Set in the current day, the show uses flash-forward interviews with the future President's staff and confidantes to show us the greatness this boy will one Day find. From boyhood, to the world's most powerful man. It's an idea we've gotten away from, especially in these volatile times. But it's an idea Brad and Steve were determined to bring us back to: the simple American concept that anyone can be President.Welcome to "Jack & Bobby."" (Meltzer, co-creator of Jack and Bobby)


Bobby

From understanding the repuBlicans and the democrats to understanding what asthma can do to you, you'll find every episOde sensiBle, usefull, not so dramatic, and interesting. It runs for about 45 minutes, that every commercial in-between will seem to be shit. After watching, you'll find yourself stuck in front of the tube on Saturdays. You'll be stucked with it in anticipation on who of the two brothers will become America's next president.

Sunday, September 25, 2005

The Convent's Repolyo



ELO!

This is a story I had to pass in my creative writing class that I enjoyed doing. It is actually an application of how to make DIALOGUES in stiories. I liked the story, so I guess it's worth your time. Happy Reading!


Dong.Dong.Dong.

"Is that the angelus Mother Superior"

"It' been two years since you've entered sister Sophie"

"Oh, I'm just not feeling well these days I suppose"

"That's why I wanted to talk to you"

"But I have to go to the gardener and request for some repolyo for lunch mother"

"What have you been doing these past few days?"

"The repolyo are really needed mother"

"I'll make you some coffee"

"But the repolyo mo-"

"We don’t have repolyo in our garden my dear"

"Oh, I mean the strawbe- I mean the bananas"

"Mang Pido will just have to wait"

"I'm sorry Mother, I am really not feeling well"
"It's a wonder why after feeling pleasure, we somehow feel sick. I guess it's the guilt"

"What guilt Mother?"

"Did Pido ask you?"

"I don't know, the repolyo?"

"Was it big?"

"I hope"

"Did it hurt?"

"The repolyo won't hurt you"

"Was it good?"

"No, I was just about to go"

"Did you take it all?"

"As I said Mother, I was just about to go"

"In the name of the Lord Sophie, stop denying"

"About the repolyo?"

"It was more of an eggplant I suppose-no repolyo in the garden"

"Oh, eggplant"

"Don't worry, that same eggplant made me feel sick too, like you today."

"What?"

"My dear, ask for forgiveness, that's all there is to it"

"I did not sin!"

"Don't worry, don't worry, Mang Pido owns the eggplant, he knows what to do with what

grows after it"

"What! Abortion?"

"After all, I tasted that same eggplant years ago..."

Dong.Dong.Dong.

Thursday, September 22, 2005

H20 Kodak Moment

Ang ganda ng corals no? Astig yung isa sa mga propesor namin meron siyang underwater Digicam-corder. Siya yung ku muha nang picture na iyan.
Posted by Picasa

TOO BAD

The International coastal clean-up was an optional trip for the scuba diving students of UP. Too bad i wasn't able to join my classmates since i had to take a test in MATH 2 ( score?-107 % hahahahah! math 2 lng tuwa na!) plus I wanted to watch the cheering competition too bad again, ticket were like gold for free. So I ended up with my good ol'friend: someone who makes you want it more than reality-TV.

TOO BAD AGAIN AND AGAIN.
Posted by Picasa

Saturday, September 10, 2005

Flying with Darna

Last September 8, 2005, My groupmates in Comm 3 interiviewed Ms. Angel Locsin.
Biased as I may seem but she sure is kind-hearted and very accomodating.
We interviewed (ambush) her inside her tent in Parks and Wildlife in Quezon Ave. when she took a break during a shoot for DARNA.
So here are several things we learned that might interest you:
1. She knows something about cameras, she even adjusted our camcorder to fit the setting
2. She is an alumnus of UST, she is part of the Philippine swimming team and even competed in Hong Kong
3. She wants to take up criminology but her father wants her to take Business Ad.
4. She and her father are so sweet (Talk about daddy's girl)
5. She reads the Bible regularly(someone testified) and John Grisham's books.
6. She has so many blisters in her hands because of the stunts she performs for DARNA.
7. She is tall, (taller than expected) sexy and beautiful.
8. She definitely loves her work
Well, These are just some of the things we learned about her. After that 15-minute interview, I can say she really is kind; not every artist will welcome us after a very strenous day right? In the video She even told our professor to give us an UNO>( requested by us of course!)
..."just an FHM babe?"-nah! there's definitely more to her than just you-know-what...


Posted by Picasa

Friday, September 09, 2005