Sunday, June 18, 2006

Speech Path VS Speech Comm

Nakakalungkot.Nakakaasar.Nakakatamad. Nakakalito.

Tapos na ang first week ko bilang isang opisyal na sophomore. Medyo natatanaw ko na ang hirap ngayong unang semestre. CWTS hanggang 7 pm, Intro to Rhetoric na parang History, Bases of Speech na demanding (malamang dating vice chancellor ba naman ng UP Manila ang magturo sayo e), Voice and Diction na pronunciation overload, at Latin 10 na philosophy plus english Grammar.

Masaya sana e.

Kaya lang di ko alam kung gusto ko ba itong course ko.

Gusto ko naman talaga siya. Pero mas gusto ko yung course ko sana sa UP Manila na Speech Pathology. Wala talaga akong direksyon sa buhay. Gusto ko ang rhetoric (public address, debate, parliamentary procedures) kaya lang gusto ko rin ng science applied to speech. Mahal ko talaga ang speech. Maging speech comm o speech path. Wala kasi masyadong umaamin na ang speech ay hindi lang basta-basta. kinuha ko ang speech dahil tingin ko isa siyang science na dapat ring pagtuunan ng pansin. Kahit tignan niyo pa ang choices ko sa para sa UPCAT (Speech Comm, Speech Pathology, Organizational Comm, English Studies). Hindi ko kasi talaga alam na hindi ka na pala i-scree-screen for UP manila kapag pumasa ka na sa Diliman. Actually common sense dapat. Kaya lang masyado akong na-excite sa pag-a-aply sa UP.

Tinignan ko ang curriculum ng Speech Path kanina. Madami talagang science na mukha namang magugustuhan ko dahil wala masyadong math. Yung mga GE ko, nakaktuwa dahil ok siya para sa UP manila. Para talagang gusto ko na mag-transfer.

Sabi saking ng adviser ko sa speech comm, maganda daw kapag natapos ko ang speech comm at speech path, pero ano yun 25 years old na ako may dalawang degree pero walang Magister Atrium (latin yan hehehehe). Nakakalito. Ano ba talagang gagawin ko. Tapos ang dami ko pang gusto maliban sa speech path. Nandiyan ang education, law, music, ministering, at engineering ahahahahaha!

First week pa lang ramdam ko na na parang walang akong direksyon na tinatahak. Di ko talaga alam.

kaya ayun nag-aaral ako ng walang inpirasyon. kaya naman nakakatamad

Siguro kapag nagka-boarding house na ako o dormitoryo ay malalaman ko ang gusto kong maging. Labo!

zzzzzzzzzzzzzzzzz...

No comments: