Sunday, July 02, 2006

Boarding house

Kagabi, nanood kami nila Edang, Mervin, Nicosai at RV ng isang produksyon ng BlueRep na pinamagatang Stages of Love.

Syempre, isa si Rafaela sa mga cast. Fairly good naman kahit hindi namin naumpisahan dahil kay (hulaan nyo kung sino hahahaha). May komedi at drama at kakulitan. Kaya lang medyo gamit na ata ang style kaya sub nihil novum sub sole or there is nothing new under the sun.

Pagkatapos, ay bumalik kami sa UP para mag-isaw sana subalit kami ay naubusan na. Kaya nag-SC na lang kami kung saan natikman nila edang nicosai at mervs ang RP5 na gulaman.

Matapos umalis ni RV aynag-MRT kaming sabay-sabay hanggang sa Taft avenue station. Dito ay tunumungong na si Edang sa LRT, samantalang kami naman ay nag-gulaman muli at nag-bus pauwi.

Kwentuhan, Kwentuhan, Kwentuhan...

.......................................

Bago pa man kami nanood ng musikal ni Rafa ay tumingin ako ng mga possbileng baording house sa Krus na Ligas na akin sanang titirahan. RP 1,100- RP1,200 per head ang aking nakita. Yung isa ay may mabait na landlady ngunit masikip na kwarto, yung isa naman ay maluwag ang kwarto ngunit masungit ang landlady. At yung isa ay may kasikipan subalit mabait naman ang landlady at mabait rin ang mga nag-bo-board kaya lang walang bakanti (balita ko aalis na daw yung isang boarder). Bagkus, wala ankong nakitang boarding house. HAHAHAHAHAHA. Syempre di alam ng nanay ko na naghahanap ako dahil di na ako naniniwala sa konsepto ng pamilya, mukhang nasobrahan na ata ako. Ngunit mahal ko ang pamilya ko, di ko lang gusto ang konsepto nito.

Ayan, bagsak ata ako sa test ko sa latin sana makabawi ako.

Paalam mga bata! Sa susunod muli!

1 comment:

Anonymous said...

icq 404358309 КИДАЛА
Продает teamviewer!!
Не верьте ему!!!!
[b]icq 404358309[/b][b][/b]
[i]icq 404358309[/i]
team viewer
Loginvovchyk